Personal na binisita ni Gov. Joet Garcia ang EV charging station sa bayan ng Abucay na malaki ang maitutulong na makahikayat pa ang maraming mamamayan na gumamit ng electric vehicles para bumaba ang bilang ng mga sasakyan na nakadepende sa gasolina.
Ipinahayag ni Gov Joet ang kanyang layunin na pagdaragdag ng limang (5) EV charging stations na gagamit ng solar energy para sa malinis at matipid na renewable energy.
Nagpahayag naman sina Municipal Executive Secretary Herbert Vianzon, Community Affairs Officer Dexter Llanda at Municipal Engr. Joel dela Ctuz na ang Pamahalaang Bayan ng Abucay ay kaisa sa adhikain ni Gov Joet na gawing environment-friendly at climate resilient ang mga imprastraktura ng nasabing bayan.