Tagisan ng kaalaman ng mga FAB Workers sa WoMentality Quiz Bee

Bilang panghuling aktibidad ng AFAB sa pagdiriwang ng Women’s Month, isinagawa ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Committee nito, ang isang paligsahan at tagisan ng kaalaman tungkol sa gender and development 26 Marso 2026.

 

Muling ipinamalas ng mga lumahok na mga manggagawa sa FAB ang lawak ng kaalaman hinggil sa mga umiiral na batas, mga programa’t aktibidad ng AFAB sa pagsusulong ng gender awareness at equality, gayundin ang mga naging kontribusyon ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

Parehong naging masaya at makabuluhan ang bawat aktibidad para sa Women’s Month ngayong taon, kasama ang bawat manggagawang kaisa natin sa pagsusulong ng isang lipunang may pagrespeto at pantay na pagtrato sa bawat kababaihan.

Leave a comment