Pagtatayo ng government center, isinusulong ni Mayor Anne Inton

Pagtatayo ng government center, isinusulong ni Mayor Anne Inton

Tinalakay ni Mayora Anne Inton sa isang pagpupulong kasama sina Municipal Planning and Development Coordinator Ejay Salenfa, Municipal Administrator Rex Jorge at  Engr .Ian Cabiling ng Municipal Engineering Office, ang planong  pagtatayo ng isang government center sa Brgy. Mandama sa bayan ng Hermosa.

Sa pulong, sinabi ni Mayora Anne,  na nais din nilang doon ilagay ang Municipal Trial Court at Senior Citizens building para palakasin ang serbisyong pampubliko sa kanilang mga kababayan. Dagdag pa niya, nais niyang maisaayos ang government center para paigtingin pa ang kanilang pagseserbisyo sa mga Hermoseños.

Leave a comment