Katahimikan, malaking asset ng Bataan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dahil sa malaking investment na pumasok sa Bataan lalo pang patatatagin ng Pamahalaang Panlalawigan ang katahimikan at kaayusan sa buong lalawigan sa mga susunod na araw at panahon.

Sinabi ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia magdaragdag pa ng mga makabagong kagamitan gaya ng mga CCTV ang 1Bataan Command Center upang mas paigtingin pa ang pagbabantay sa seguridad hindi lamang sa kahabaan ng Roman highway kundi maging sa lahat ng mga National Road na nakapaikot sa bawat bayan.

Ito ay siniguro ng Gobernador kahapon nang lagdaan nila nina GenPact Country Manager Danilo Sebastian Reyes at Balanga City Mayor, Jose Enrique Garcia III ang isang Memorandum of Agreement sa Emiliana Hall.

“Dahil sa napapanatili natin ang katahimikan sa ating lalawigan, narito ang GenPact pahayag pa ng Gobernador.

“Kaya naman pinasasalamatan natin mga opisyal ng GenPact na pinagkatiwalaan tayo, at ating sisiguruhin sa kanila na laging tahimik ang Bataan, kaya naman lagi tayong nakikipag-ugnayan sa ating Provincial PNP Director P/Sr.Supt. Rhodel Sermonia dagdag pa ni Garcia