banner

Ang wikang katutubo sa makabagong panahon

Written by
  • Loi B.
  • 5 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan. – “Bilang nakatatanda sa Aeta Magbukún, nakalulungkot na unti unting nakalilimutan ang kulturang mayroon sa tribo namin sa panahon ngayon.” Ito ang pahayag mula sa Punong Tagapangalaga mula sa Aeta Magbukún na si Rosita Sison, sa Pagpapasinaya sa Bantayog – Wika na ginanap sa Bataan People’s Center kaninang umaga.
Pinangunahan ito ni Gobernador Abet Garcia kasama nila Bise Gobernador Cris Garcia, National Commision for Culture & the Arts (NCAA) at Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Pilipino, Virgilio Almario at ilang miyembro ng Aeta Magbukún mula sa Bayan ng Abucay.
Ang ika-pitong Bantayog – Wika na itinayo rito sa Probinsiya ng Bataan ay pagbibigay pugay sa wika at kultura ng mga kababayan nating katutubo. Dahil na rin sa nanganganib na pagkawala ng tribo na ito sa ating bansa lalong lalo na sa lalawigan ng Bataan.
“Ang bawat Bantayog – Wika na itinayo natin sa ibat’ – ibang parte ng Pilipinas ay sagisag sa halaga ng mga wikang katutubo at sisidlan ng katutubong yaman.” Mensahe mula kay Senador Loren Legarda
Sa ngayon, ika-pitong Bantayog – Wika na ang narito sa Bataan at nawa’y dumami pa ito upang mapagyaman pa ang kultura ng bawat pangkat rito sa ating bansa.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares