AgricultureNews

Bagac agad umaksyon sa muling pag atake ng ASF

0

Sa napabalitang muling pag atake ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Bagac, agad na umaksyon sina Mayor Ramil del Rosario, Vice Mayor Ron del Rosario kasama ang buong Sangguniang Bayan. Agad nilang ipinatupad ang Administrative Circular no. 12, series of 2019 ng Department of Agriculture na “National
Zoning and Movement Plan for the Prevention and Control of African Swine Fever (ASF)”. Nauna rito, sinabi ni Vice Mayor Ron del Rosario na may nakapasok na “tiwaling biyahero” sa kanilang bayan at nakapagbenta ng 80 biik sa mga barangay ng Banawang, Binuwangan at Ibis kung saan may namatay na 40 baboy, kung kaya’t agad nilang hinanap sa iba pang barangay ang 40 biik at ipinapatay nang lahat.

Ayon kay Konsehal Larry Bantugan, sa kanilang imbestigasyon, lumilitaw na may hawak na permit ang nasabing biyahero na may ahente sa kanilang bayan pero ang permit ay hindi para sa bagac kundi sa ibang bayan pinalusot lamang sa bayan ng Bagac, na siyang pinagsimulan ng ASF.
Sa ngayon, ayon kay Mayor Ramil del Rosario, ang lahat ng mga babuyan na pinagdalhan sa mga nasabing biik ay ididisinfected na gayundin ang kanilang Pamilihang Bayan na pansamantalang naka lockdown ng 7 araw para malinis at bawal ang anumang panindang karne ng baboy.

Pamilihang bayan ng Mariveles, bukas na

Previous article

Mayor Macalinao tinapatan ang fertilizer na bigay ng DA

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture