Nagdaos ang bayan ng Bagac ng isang masayang Christmas Lighting ceremony sa kanilang plaza nitong ika-8 ng Disyembre.
Sa temang, Paskong Bagakeño Christmas Lighting ceremony, sinabi ni Mayor Ron Del Rosario na nais nilang sariwain ang diwa ng Pasko at ito ay sinimulan nila sa isang banal na misa, na sinundan ng isang prusisyon para sa Mahal na Birhen dahil ang ika-8 ng Disyembre ay Feast of the Immaculate Conception at pagsapit ng ika-8 ng gabi, nasilayan ngan lahat ang panimulang Programang Alice Reyes Dance Phil (ARDP), Bataan High School for the Arts at ang nakamamanghang Christmas lighting.
Kasabay din ng nasabing okasyon ang pagbubukas ng Paskong Bagakeño Christmas Bazaar katuwang ang Diocesan Shrine Parish of St. Alexandria.