Ito ang sinabi ni Mayor Ramil del Rosario ng bayan ng Bagac sa nakaraang flag raising ceremony na ayon sa kanya ay panahon para tutukan ang pagpapaunlad ng kanilang turismo.
Ayon pa kay Mayor del Rosario, nakipag ugnayan na sila sa DENR-Bataan upang isaayos ang ilan sa mga tourist destinations sa kanilang bayan na kanilang nakitang napabayaan noong kanilang bisitahin, tulad ng Sugong Cave, Kinawan, Ambon-ambon Falls at iba pa.
Nakapanlulumo umano ayon pa kay Mayor Ramil na napakadumi ng lugar, nagkalat ang plastic,napakarumi ng palikuran, kung kaya’t ito ay isasaayos ng Pamahalaang Bayan ng Bagac para puntahan ng mga turista.
Matutuwa umano ang mga resort owners dahil sa marami na umano silang mga tourists destinations subalit nilinaw ni Mayor del Rosario na kanila ring isasaayos ang 20 meters salvage point 20 meters from the shore, na anumang structures ang nakaharang doon ay gigibain.