banner

Bagong sistema ng pagrerehistro, layong mawala ang “mga patay na nakakaboto pa”

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Ito ang tahasang pahayag ni COMELEC Provincial Election Supervisor Atty Gilbert Almario, sa isang presscon na ginanap sa kanyang tanggapan, kahapon, unang araw ng Hunyo.

Ayon kay Atty. Almario, ang COMELEC ay naglunsad ng bagong programa na mobile registration o I-REHISTRO, na naglalayong mapabilis ang proseso ng registration, kung saan ang mga botante lalo na yong mga bagong botante at nasa malalayong lugar sa lalawigan ay makapag rehistro online. Hindi lamang sila makaiiwas sa mahabang pila kundi maging sa COVID-19. Ipinakita sa media kung gaano kabilis at kadali ang online registration sa pamamagitan ng isang demonstrasyon.

Malinaw na ipinaliwanag ni Atty Almario na nai-transfer na sa mga lalawigan ang mga listahan ng mga botante mula sa COMELEC national office, at ang bagong registration ay isang “Paglilinis” sa masterlists ng mga botante para mawala na yong mga dobleng registration, mga maling impormasyon na inilagay at maging ang alegasyon na “kahit umano mga patay” ay nakaboboto pa.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares