Sinabi ni Orland de Silva isang Coordinator ng Full Harvest Foliar Fertelizer, mas maganda umano kung gagamit ng ganitong pataba dahil kung umaani umano ang isang magsasaka ng isang daan per ektarya madadagdagan ito o hihigitan pa ang aanihin kumpara sa orihinal na ani bawat ektarya. Ipinahayag pa ni de Silva na mababawasan din ang gagamiting abono ng isang magsasaka sa paggamit ng Foliar fertilizer.
Idinagdag pa ng Coordinator na kung magtatagumpay ang ganitong teknolohiya sa kanilang gagawing demo farm ay hihikayatin niya ang iba pang magsasaka na gayahin ito para mapaunlad nila ang kanilang ani.
“Full Harvest Foliar Fertilizer is a third generation crop nutrition technology combining the ability of pro-organic raw materials and enzymes blended synergistically to provide adequate macronutrients, micronutrients and catalytic enzymes readily available for the microbes like resobium and asusperilium to convert nitrogenous materials to nitrate nitrogen” dagdag pa ni de Silva.
Kaugnay nito ipinahayag ni Marcial Guila, Soil Coordinator ng Provincial Department of Agriculture na kailangan matesting muna ng bawa’t magsasaka kung sakali mang magbabago ng pamamaraan sa pagtatanim ng palay, kung ito ba ay aani nang maganda o hindi.