Nanguna si Mayor Ma. Angela “Gila” Garcia ng Dinalupihan, kasama ang PNP sa pamumuno ni Col. Villamor Tuliao sa muling pagbubukas ng kanilang Bahay Pagbabago upang kalingain ang ika-24 na batch na binubuo ng 36 na drug surrenderees mula sa kanilang bayan.
Ayon kay Mayor Gila Garcia, nais nila, sa tulong ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan at mga civic organizations na mabigyan ng ikalawang pagkakataon na magbago ang mga kababayan nating naligaw ng landas.
Sinabi pa ni Mayor Gila na sa pamamagitan ng Bahay Pagbabago, marami na sa mga dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang sa ngayon ay may mga trabaho na at ang iba ay nakapag abroad pa dahil sa natutunan sa skills training mula sa TESDA at iba pang ahensyang tumutulong para mabago ang kanilang buhay matapos ang kanilang rehabilitasyon.
Sa ika-24 na batch ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lokal ng Dinalupihan at pamunuan ng The Church of Latter Day Saints hinggil sa kanilang “Addiction Recovery Program kung saan kasama pa rin ang PNP, DEPed, mga opisyal ng barangay at iba.