banner

Bakuna,depensa laban sa COVID-19

Written by
  • Jonie L. C.
  • 6 months ago

Sa pagdiriwang ng ika-123 taong Araw ng Kalayaan,.inihalintulad ni Gob. Albert Garcia ang dinanas ng ating mga ninuno noong panahon ng digmaan sa kinakaharap ng bansa sa pananalasa ng COVID-19,
Ayon kay Gob Garcia, nagpupumilit ang bawa’t Pilipino na tumayo at mabuhay para makaligtas sa mapaminsala at nakakamatay na Corona virus at lumalaki ang pag-asa ng pamahalaan na ito ay mapagtatagumpayan dahil sa pagkakaisa at pagsunod ng taong bayan sa ipinatutupad na minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ipinaliwanag ng Ama ng Lalawigan, na bagama’t magkaiba ang itinuturing na kalaban ay pareho umano ang karanasan, ang giyera na kayang sirain ang kinabukasan ng mga taong tatamaan nito.
Idinagdag pa ng Gobernador, sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Lalawigan. hindi tumitigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pag-iisip at pagpapatupad ng kaparaanan upang mapigil ang pagkalat ng impeksyon sa pamayanan at mabigyan ng protekston ang bawa’t Bataeño.

Una na rito ang patuloy na pagsusulong ng mahusay na programa sa pagbabakuna dahil dito nakasalalay ang pangmatagalang solusyon sa problema ng pandemya kaya naman 17 vaccination sites na ang naitayo sa Lalawigan.
Kaugnay nito, mayroong mahusay at efficient na cold chain facility ang Bataan na pwedeng mag-imbak ng alinmang brand ng bakuna, maging ang mga nanggagaling sa pamahalaang nasyonal gayundin ang sariling pag-aangkat ng mga karagdagang bakuna ng pamahalaaang panlalawigan.

Sa huli, muling pinakiusapan ni Gob. Abet, ang mga Bataeño na huwag susuko sa laban dahil malaki ang paniwala ng gobyerno na nasa huling yugto na ang labanang ito; “Ang Bakuna Kontra Covid-19”, ang huling depensa na makakapagbigay ng lubos na kalayaan sa mamamayan laban sa mapinsalang virus.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares