banner

Balagtas; katutubong manlilikha

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isandaan at limampung delegado mula sa
mga rehiyon ng CAR, ARMM at Rehiyon 1- 13 ang dadalo at makikiisa sa
gaganaping Pambansang Kampong Balagtas sa Orion Elementary School, bayan ng Orion.
Magbubukas sa ika-2 ng Abril ang tatlong (3) araw na kumperensya ng mga kabataang manunulat na nasa ika – 7 hanggang ika – 11 baitang na mga kalahok, kung saan ang makasasali ay nakapagpalathala na ng kanyang tula at sanaysay sa kanilang pahayagang pangkampus noong 2018 at
kasalukuyang taon.
Ayon sa Komisyong ng Wikang Filipino, ang mga delegado ay lalahok sa mga paligsahan sa pagsulat ng tula, sanaysay at maikling kwento kung saan
ang magwawagi ay tatanggap ng cash, medalya at sertipiko ng karangalan.
Tema ng nasabing paggunita sa Araw ni Balagtas 2019 ay, Balagtas: Katutubong Manlilikha bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan
ng Filipino tuwing buwan ng Abril.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pangunahing ahensya ng Pamahalaan na may katungkulan na magsagawa ng ganitong mga
aktibidades para sa paglilinang at pagpapaunlad ng wikang Filipino na ang pangunahing tagapagpaganap ay si G. Virgilio S. Almario.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares