Balanga City Agriculture Office, hangad na magwagi sa national competition

Target ng City Agriculture Office na masungkit ang National Organic Agriculture Achiever Award makaraang magwagi sa Regional Category nitong nakaraang September 26 at 27, 2919 sa Paraiso, Tarlac.

Ayon kay City Agriculturist Ms. Nerissa Mateo tatlong awards ang nakamit ng Lungsod; ang Outstanding Agriculture Focal Person na napagwagian ni Jimmy Zombilla, Outstanding Agricultural Extension Worker na nakuha naman ni Ronnie Lopez at wagi din ang City of Balanga bilang Organic Agriculture Best Implementor.

Tinanggap ng mga nagwagi ang isang plake, medalya at Php20K sa Focal Person, Php16K naman sa Agricultural Extension at Php300 Thousand sa Best Implementor.
Inaasahan ng City Agriculture na masusungkit nila ang award hanggang sa nasyonal dahil patuloy nilang pinaiigting ang kanilang programa sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka.

Ang National Organic Agriculture competition ay gaganapin sa buwan ng Nobyembre sa Tagaytay City.