Barangay officials pinulong ni Pineda

Pinulong ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Chairman-Administrator Engr. Emmanuel D. Pineda noong Lunes ang mga Barangay officials sa Mariveles sa isang “year-end meeting” upang ipaalam sa kanila ang mga pagbabago sa Freeport Area of Bataan (FAB) at mga pasilidad dito.
Sinabi ni Pineda na dapat malaman ng mga barangay captain at iba pang mga opisyal ng barangay ang mga plano at pagbabagong nagaganap sa kani-kanilang mga lugar upang maipaliwanag din nila sa mga tao ang mga nagaganap sa loob ng FAB.

Ayon kay Kelvin Rae G. Rodriguez, business development and marketing specialist ng corporate affairs department ng AFAB, lahat ng mga pasilidad sa loob ng FAB ay itinatayo para na rin sa kapakanan ng mga residente.
Sinabi pa ni Rodriquez na ang mga proyektong itinatayo sa loob ng FAB ay may kaukulang pagsang-ayon o kaya ordinansa mula sa local government unit o sa barangay.
“Ito ay hindi maisasagawa kung walang kaukulang resolusyon o ordinansa ang isang barangay,” paliwanag pa ni Rodriguez.