Bataena, nanguna sa April 2025 MLE

Bataena, nanguna sa April 2025 MLE

Pumasa ang 1,975 sa 3,444 na kumuha ng April 2025 Midwife Licensure Examination (MLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), na katumbas ng 57.35% passing rate.

Nanguna sa pagsusulit si Rona Marie Villaflor Ramos mula sa Bataan Peninsula State University – Main Campus na nagtala ng 92.60%. Pumang apat  si Arian Rosales Villaganes -92.25%

habang pang pito naman si Roberto Andrade Sibugan Jr. – 91.95%. Silang tatlo ay pawang nagtapos sa Bataan Peninsula State University.

Itinanghal ding Top Performing School ang Bataan Peninsula State University – Main Campus matapos makapagtala ng 100% passing rate.

Para sa kumpletong listahan ng mga pumasa, bisitahin ang: prcboard.com

Leave a comment