banner

BIR Tulungan Center, inilunsad sa SM City Bataan

Written by
  • Zeny S.
  • 4 weeks ago

Sa pakikipagtulungan ng SM City Bataan ay nakapaglunsad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Bataan ng kanilang Tulungan Center sa nasabing mall.

Ayon kay BIR RDO-20, Atty. Mercedes Estalila, naglagay sila ng Tulungan Center sa 2nd Floor ng SM City Bataan upang sa panahon ng pagpa-file ng Income Tax Return (ITR) ay matulungan nila ang mga mamamayan na matutunan kung paano mag-file ng sarili nilang income tax nang tama at mas maaga sa deadline nito na April 15, 2024.

Noong siya ay kapanayamin ng mga mamamahayag, hinikayat ni Atty. Estalila ang mga mamamayan na magtungo sa SM City Bataan o sa opisina nila sa Robinson Galleria kung nais nilang matulungan sa pagpapa-file ng kanilang ITR, sa mga online services ng BIR, o anumang tanong na nais nilang matugunan tungkol sa pagbabayad ng buwis. Ang nasabing BIR Tulungan Center ay tatagal mula ika-23 ng Marso hanggang ika-15 ng Abril 15, mula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Article Categories:
Business · News

Leave a Reply

Shares