banner

BM Ibe, tututukan ang pondo para sa peace and order program

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa kanyang mensahe sa nakaraang 1st Bataan Provincial Advisory Council (PAC) Summit, sinabi ni Board Member Rey Ibe, Chairman, Committee on Justice, Peace and Order, na kaniya umanong tututukan ang pondo sa Peace and Order program.
Binigyang diin ni BM Ibe na sa pagtalakay ng Sangguniang Panlalawigan sa
sa pondo ng lalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Cris Garcia, kanilang uunahin, palalakasin at bibigyan ng pinakamaraming pondo ang peace and order program sa dahilang kung payapa ang lalawigan tiyak na may kaunlaran at kung tahimik, may mga investments na darating at trabaho para sa mga taga Bataan at kung may trabaho, walang maghihirap at kung walang mahirap, walang magiging kriminal.
Ayon pa sa kanya, ang ginanap na 1st Bataan Provincial Advisory Council Summit na may temang “Building Stronger Linkages Geared Towards the Attainment of Genuine Transformation” ay hindi para sa PNP lamang kundi para sa ating lahat dahil wala umanong magmamahal at magmamalasakit sa
ating lalawigan kundi tayo ring mga Bataeño.
Ang nasabing summit na pinamumunuan ni Gov. Abet Garcia bilang PAC Honorary Chair at Metro Bataan Development Authority GM Charlie Pizarro bilang PAC Chairman ay naging matagumpay kung saan naging mga panauhing pandangal sina PCSupt Noel Baraceros, Director, CPSM; PSupt Harris R. Fama, Chief of Staff, CPSM at bagong PNP Regional Director ng Region 3 na si Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares