Isinagawa ng bayan ng Orion ang pinagsamang ika-4 na Quarter ng 2025 na pulong ng Municipal Peace and Order Council ( MPOC), Municipal Anti-drug Abuse Council ( MADAC) at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( MT-EKCAC) noong ika -9 ng Disyembre sa conference hall ng kanilang MDRRMO building sa Brgy. Sto. Domingo.
Isa sa naging tampok sa nasabing gawain ang paggawad sa Brgy. Bilolo bilang Pinakamahusay na Lupong Tagapamayapa sa bayan ng Orion, sa kanilang natatanging pagganap sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay at maayos na paglutas ng mga alitan. Samantala, kinilala rin ng grupo ang mga Civil Society Organizations ( CSO’s) dahil sa kanilang aktibong pakikilahok at patuloy na suporta sa mga inisyatiba ng konseho.
Pinangunahan ni Mayor Tonypep Raymundo Jr. ang pulong ng 3 konseho kung saan ay tinalakay ang sitwasyon ng peace and order, mga usaping may kaugnayan sa ELCAC, ulat hinggil sa fire prevention, road clearing, kampanya laban sa ilegal na droga at drug clearing program.
Sinabi ni Mayor Raymundo sa nasabing pulong na pinagtibay nila ang mas pinaigting na koordinasyon ng mga ahensya at mga stakeholders upang higit pang masuportahan ang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang mapayapa, maayos at drug-free na komunidad sa bayan ng Orion