Abala ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist sa pagre repack ng mga buto ng gulay para ipamahagi sa mga magsasaka sa buong lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Louie V. Rodis, Agriculturist ll, isinusulong din ng kanilang tanggapan na kailangang tangkilikin ng ating mga magsasaka ang paggamit ng organic fertilizer.
Idinagdag pa ni Rodis na layunin din ng kanilang tanggapan sa pamumuno ni Engr. Johanna R. Dizon, na makapagparami ng masustansyang na pagkain sa buong lalawigan.
Ang ipamamahaging mga buto ng gulay ay ampalaya, okra, sitaw, talong, at iba pa na akmang itanim ngayong tag-ulan.