banner

Candy bilang panukli, paglabag sa consumer’s right

Written by
  • Nerlie L.
  • 9 years ago

   LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagbabala kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga may-ari ng business establishments sa lalawigan na hindi nila pwedeng gawing panukli ang candy dahil hindi ito itinuturing na legal tender.

   Ayon kay Nelin Cabahug, OIC provincial director ng DTI-Bataan, marami na silang natatanggap na reklamo mula sa consuming public  ukol sa di-pagbibigay ng tamang sukli ng mga establisimyento sa katwirang wala umanong barya ang mga ito gaya ng P.25, .50 o .75 centavos at imbes ay candies ang kanilang ipanunukli, na isang paglabag sa karapatan ng isang consumer.

   “Candies are not considered legal tender. A consumer cannot be forced to accept candies as change. Besides, the consumer has the right to be informed of his right to reject candies in lieu of money as change,”  ani pa Cabahug.

   Nabatid na sinulatan na ng DTI-Bataan office ang mga business establishments sa lalawigan para paalalahanan ang mga ito na siguruhing may eksaktong panukli ang kanilang mga kahera at posibleng gumawa ng kaukulang aksyon ang ahensya laban sa nasabing establisimyento kung patuloy na lalabag ang mga ito sa Republic Act 7394 o  Consumer Act of the Philippines.

   “The act of giving candies as change maybe considered deceptive because the consumer is induced to enter a sales transaction through concealment, false representation of fraudulent manipulation,”  ani pa Cabahug batay na rin sa Article 50 ng RA 7394.

  Ipinaliwanag pa nito na kung gagamitin ang candy bilang pamalit na panukli, kailangan munang hingin ng kahera ang pagsang-ayon ng consumer kung tatanggapin nito ang candy bilang sukli.

   “This transaction is perfectly legal since consumer gives his consent thereto, which is an essential element in the consensual contract of sale. This practice, however, is not encouraged,”  dagdag pa Cabahug.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares