News

Comelec CL hinikayat ang mga kabataan na magparehistro

0

Hinikayat ng Commission on Elections o Comelec Central Luzon ang mga kabataan na magiging 18 anyos na sa sandaling sumapit ang Mayo 9, 2022 na magparehistro na.

Ayon kay Comelec Central Luzon Assistant Regional Director Elmo Duque, ang mga magpaparehistro ay pwedeng mag- walk-in sa mga municipal at city Comelec offices ng mga bayan at lungsod ng 7 probinsiya at 2 highly urbanized cities ng rehiyon, mula Lunes hanggang Sabado ng alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Dagdag pa ni ARD Duque, hindi pinapayagan sa kasalukuyan ang mga online reservations pero mayroon aniyang downloadable forms na pwede aniyang kumpletuhin sa pag fill-up ng tatlong kopya o triplicate na pwedeng ipasa o dalhin sa kani-kanilang lokal na tanggapan.

Bukod aniya sa pagtanggap sa mga rehistro ng mga bagong botante ay tinatanggap din nila ang mga transaksyon sa reactivation ng mga dati nang mga botante at mga change of residency cases.

Pinapayagan din, ani Duque, ang mga corrections of voters’ entries, correction of names at change of status pero kailangan aniyang may kaakibat itong mga dokumento kagaya ng court order, birth o marriage certificates.

Samantala, nais ding ipaalam ni Duque sa mga mamamayan sa rehiyon na itinigil na ng Comelec ang pag-isyu ng voters identification cards o mas kilala sa tawag na voter’s ID, sa dahilang ang Philippine Statistics Authority ay maglalabas na Philippine National Identity Cards kung saan sa kasalukuyan ay isinasagawa ng PSA ang pre-registration para sa National ID System.

Bataan records zero new COVID-19 case

Previous article

Pilar town renovates hall

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News