
COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-10 ng Agosto, umabot na po sa 498 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, apat (4) ang mga nakarecover na at 146 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Isa sa mga nagpositibo ay ang 22 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles na mayroong travel history sa Lungsod ng Olongapo at nagkaroon ng close contact sa nagpositibo sa COVID-19. Dalawa (2) naman sa mga nagpositibo ay pawang mga in-patient sa ospital sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 60 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 69 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
Sa kabuuan, umabot na po sa 298 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 38 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 2 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 17 araw na gulang na babaeng sanggol mula sa Mariveles
– Isang 40 taong gulang na babae mula sa Mariveles
Ang bilang ng active cases ay 186 at umabot na sa labing apat (14) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay isang 60 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga.
Nasa 343 ang naghihintay ng resulta ng test; 8,672 ang nagnegatibo na at 80 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 9,513 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/tXQQzzX28jk
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.