Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 11, 2020

0

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-11 ng Agosto, umabot na po sa 504 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing apat (14) ang mga nakarecover na at 125 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na apat (4) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 54 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 21 taong gulang na babaeng health worker mula sa Hermosa
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 13 taong gulang na babae mula sa Abucay

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 32 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 70 taong gulang na babae mula sa Mariveles na in-patient sa ospital sa ating Lalawigan

Sa kabuuan, umabot na po sa 312 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Orani
– Isang 57 taong gulang na babae mula sa Orani
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Bagac
– Isang 41 taong gulang na lalaking OFW mula sa Bagac
– Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 54 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 55 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan

Ang bilang ng active cases ay 177 at umabot na sa labing lima (15) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 72 taong gulang na babae mula sa Orani na may iba pang karamdaman.

Nasa 357 ang naghihintay ng resulta ng test; 8,797 ang nagnegatibo na at 145 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 9,658 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

SP sessions back to virtual meetings

Previous article

Mga natatanging magsasaka, ginawaran ng pagkilala

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply