Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 12, 2020

0

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-12 ng Agosto, umabot na po sa 523 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan habang walo (8) ang mga bagong nakarecover na.

Lumabas sa contact tracing na siyam (9) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Orani
– Isang 30 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 33 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 47 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 73 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Tatlo (3) naman sa mga nagpositibo ay pawang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na umuwi sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Limay
Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Bagac na mayroong travel history sa Maynila
– Isang 42 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 26 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Samal
– Isang 41 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 66 na taong gulang na babae mula sa Orani
– Isang 53 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Morong

Sa kabuuan, ang bilang ng active cases ay 188 at nananatiling labing lima (15) ang pumanaw na. Umabot naman po sa 320 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 62 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 43 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 44 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Abucay

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/tt70SANafx8

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

Mga natatanging magsasaka, ginawaran ng pagkilala

Previous article

Orani council acts on water problem

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply