banner

COVID-UPDATE: AUGUST 16, 2020

Written by
  • 1Bataan .
  • 2 years ago

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-16 ng Agosto, umabot na po sa 585 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, walo (8) ang mga nakarecover na at 61 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na anim (6) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 80 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 76 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 44 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 44 na taong gulang na babaeng OFW mula sa Mariveles
– Isang 68 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles na in-patient sa ospital sa ating Lalawigan
– Isang 20 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 361 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Isang 6 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 52 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 59 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 59 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 71 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan

Ang bilang ng active cases ay 209 at labing lima (15) ang pumanaw na. Nasa 173 ang naghihintay ng resulta ng test; 9,469 ang nagnegatibo na at 75 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 10,227 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

Article Categories:
Covid-19 Update

Leave a Reply

Shares