Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 18, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-18 ng Agosto, umabot na po sa 597 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing siyam (19) ang mga nakarecover na at 229 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 10 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 59 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 22 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 23 taong gulang na lalaking OFW mula sa Abucay
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Abucay na in-patient sa isang pribadong ospital
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Abucay na nagkaroon ng close contact sa nauna nang nagpositibo sa COVID-19

Sa kabuuan, umabot na po sa 392 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 84 na taong gulang na babae mula sa Orani
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 31 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 54 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 58 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Dalawang 40 taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Pilar
– Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
– Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 48 taong gulang na babae mula sa Mariveles

Ang bilang ng active cases ay 190 at labing lima (15) ang pumanaw na. Nasa 143 ang naghihintay ng resulta ng test; 9,806 ang nagnegatibo na at 189 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 10,546 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

COVID-UPDATE: AUGUST 17, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 19, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply