Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 20, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-20 ng Agosto, umabot na po sa 619 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, tatlo (3) ang mga nakarecover na at 118 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na sampu (10) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 56 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 41 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 19 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 13 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 52 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Morong
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Morong

Dalawa (2) sa mga kumpirmadong kaso ay mga in-patients sa ospital sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 5 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 56 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 21 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 29 na taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 409 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 18 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 51 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang bilang ng active cases ay 195 at labing lima (15) ang pumanaw na. Nasa 326 ang naghihintay ng resulta ng test; 10,192 ang nagnegatibo na at 336 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 11,137 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

COVID-UPDATE: AUGUST 19, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 21, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply