Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 22, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-22 ng Agosto, umabot na po sa 660 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, pito (7) ang mga nakarecover na at 85 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labindalawa (12) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 51 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 62 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 41 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 38 taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles
– Isang 22 taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles
– Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 66 na taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Samal
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 31 taong gulang na lalaking health worker mula sa Lungsod ng Balanga

Dalawa (2) naman sa mga kumpirmadong kaso ay mga in-patients sa ospital sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 68 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 74 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 24 na taong gulang na babaeng health worker mula sa Hermosa
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 438 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Dalawang 61 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 42 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Ang bilang ng active cases ay 206 at labing anim (16) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 74 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa na may iba pang karamdaman.

Nasa 135 ang naghihintay ng resulta ng test; 10,610 ang nagnegatibo na at 97 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 11,405 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

COVID-UPDATE: AUGUST 21, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 23, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply