Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 24, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-24 ng Agosto, umabot na po sa 708 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, anim (6) ang mga bagong nakarecover na at 121 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na apat (4) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 24 na taong gulang na lalaking health worker mula sa Dinalupihan
– Isang 21 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Limay

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Mariveles na in-patient sa ospital sa ating Lalawigan

Sa kabuuan, umabot na po sa 449 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 30 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 12 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 58 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Abucay

Ang bilang ng active cases ay 243 at labing anim (16) ang pumanaw na. Nasa 151 ang naghihintay ng resulta ng test; 10,870 ang nagnegatibo na at 173 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 11,729 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

COVID-UPDATE: AUGUST 23, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 25, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply