COVID-UPDATE: AUGUST 28, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO noong ika-28 ng Agosto, umabot na po sa 808 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, pito (7) ang mga bagong nakarecover na at 129 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na ang mga bagong kumpirmadong kaso ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 60 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 21 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 50 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Limay

Sa kabuuan, umabot na po sa 506 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
– Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Orani
– Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 21 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 18 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Abucay

Ang bilang ng active cases ay 286 at labing anim (16) ang pumanaw na. Nasa 184 ang naghihintay ng resulta ng test; 11,980 ang nagnegatibo na at 137 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 12,972 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB…

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

#1Bataan ☝️

Leave a comment