COVID-UPDATE: AUGUST 31, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-31 ng Agosto, umabot na po sa 921 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, sampu (10) ang mga bagong nakarecover na at 106 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na siyam (9) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 15 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 55 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 6 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 12 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 4 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 53 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
– Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
– Isang 33 taong gulang na lalaking OFW mula sa Mariveles
– Isang 22 taong gulang na lalaking OFW mula sa Mariveles
– Isang 21 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 35 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 41 taong gulang na babae mula sa Morong na may travel history

Sa kabuuan, umabot na po sa 551 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 62 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 32 taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 87 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 20 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Mariveles

Ang bilang ng active cases ay 353 at labing pito (17) ang pumanaw na. Nasa 148 ang naghihintay ng resulta ng test; 12,383 ang nagnegatibo na at 116 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 13,452 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB…

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

Leave a comment