Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 8, 2020

0

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-8 ng Agosto, umabot na po sa 489 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, siyam (9) ang mga nakarecover na at 100 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na pito (7) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 31 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Dalawang 16 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 32 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 41 taong gulang na babae mula sa Samal

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 35 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 42 taong gulang na babae mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 292 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 16 na araw na gulang na lalaking sanggol mula sa Abucay
– Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 36 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 21 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 44 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang bilang ng active cases ay 184 at labing tatlo (13) ang pumanaw na. Nasa 493 ang naghihintay ng resulta ng test; 8,353 ang nagnegatibo na at 69 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 9,335 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

FAB continues to implement strict health and safety protocols

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 9, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply