COVID-UPDATE: AUGUST 9, 2020

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-9 ng Agosto, umabot na po sa 495 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawa (2) ang mga nakarecover na at 173 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na dalawa (2) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 58 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Abucay

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 33 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 83 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 70 taong gulang na babae mula sa Orani na in-patient sa ospital sa ating Lalawigan

Sa kabuuan, umabot na po sa 294 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 33 taong gulang na lalaking healthworker mula sa Abucay
– Isang 31 taong gulang na babaeng OFW mula sa Mariveles

Ang bilang ng active cases ay 188 at labing tatlo (13) ang pumanaw na. Nasa 412 ang naghihintay ng resulta ng test; 8,526 ang nagnegatibo na at 98 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 9,433 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

Leave a comment