Covid-19 Update

COVID-UPDATE: DECEMBER 10, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-10 ng Disyembre, umabot na po sa 3,510 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing apat (14) ang mga bagong nakarecover at 182 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labing dalawa (12) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 45 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
3. Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Morong
4. Isang 45 taong gulang na babae mula sa Morong
5. Isang 57 taong gulang na babae mula sa Morong
6. Isang 80 taong gulang na babae mula sa Orion
7. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Orion
8. Isang 50 taong gulang na babae mula sa Orion
9. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Pilar
10. Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
11. Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
12. Isang 17 taong gulang na babae mula sa Limay

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
13. Isang 32 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
14. Isang 50 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
15. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Orani
16. Isang 59 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Sa kabuuan, umabot na po sa 3,178 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
2. Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
5. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
6. Isang 10 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 15 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
8. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
9. Isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
10. Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Abucay
11. Isang 37 na taong gulang na babae mula Orani
12. Isang 70 taong gulang na lalaki mula sa Orani
13. Isang 24 taong gulang na babae mula sa Orani
14. Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Orion

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 260 at lahat sila ay naka isolate na; pitumpu’t dalawa (72) ang pumanaw na; 220 ang naghihintay ng resulta ng test; 34,512 ang nagnegatibo na at 197 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 38,242 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

#1Bataan

AFAB’s weapon against displacement due to pandemic

Previous article

PG-ENRO launches its SSMD

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply