
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-12 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,967 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, lima (5) ang mga bagong nakarecover at 285 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na dalawampu’t lima (25) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 55 taong gulang na babae mula sa Abucay
3. Isang 43 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
4. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
5. Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
6. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
7. Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
8. Isang 68 taong gulang na lalaki mula sa Limay
9. Isang 61 taong gulang na babae mula sa Limay
10. Isang 2 taong gulang na lalaki mula sa Limay
11. Isang 9 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
12. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Limay
13. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Limay
14. Isang 9 na taong gulang na babae mula sa Limay
15. Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Limay
16. Isang 54 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
17. Isang 68 taong gulang na babae mula sa Mariveles
18. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
19. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
20. Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
21. Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
22. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
23. Isang 78 taong gulang na lalaki mula sa Orani
24. Isang 72 taong gulang na babae mula sa Orani
25. Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
26. Isang 35 taong gulang na lalaking health worker mula sa Lungsod ng Balanga
27. Isang 28 taong gulang na lalaking health worker mula sa Lungsod ng Balanga
28. Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
29. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Mariveles
30. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Orani
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,744 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
2. Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
3. Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Bagac
4. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Orion
5. Isang 37 taong gulang na babae mula sa Abucay
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 164 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t siyam (59) ang pumanaw na; 258 ang naghihintay ng resulta ng test; 28,625 ang nagnegatibo na at 290 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 31,850 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan