
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-4 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,839 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, siyam (9) ang mga bagong nakarecover at 110 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na tatlo (3) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Mariveles
2. Isang 2 taong gulang na lalaki mula sa Samal
3. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
4. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Limay
1. Isang 58 taong gulang na babae mula sa Mariveles
2. Isang 59 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,635 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 65 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 36 taong gulang na babae mula sa Hermosa
5. Isang 2 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
6. Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
7. Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
8. Isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
9. Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 149 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t lima (55) ang pumanaw na; 283 ang naghihintay ng resulta ng test; 27,045 ang nagnegatibo na at 114 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 30,167 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan 0