COVID-UPDATE: NOVEMBER 6, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-6 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,870 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing pito (17) ang mga bagong nakarecover at 175 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na sampu (10) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Orani
2. Isang 41 taong gulang na lalaking OFW mula sa Pilar
3. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 58 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
5. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
6. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
8. Isang 6 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
9. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
10. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
11. Isang 50 taong gulang na lalaking OFW mula sa Abucay
12. Isang 25 taong gulang na babaeng OFW mula sa Orani
13. Isang 60 taong gulang na babae mula sa Orani
14. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,665 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 42 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
3. Isang 84 na taong gulang na babae mula sa Abucay
4. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
5. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Bagac
6. Isang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
8. Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
9. Isang 68 taong gulang na babae mula sa Limay
10. Isang 34 na taong gulang na babae mula sa Limay
11. Isang 9 buwang gulang na lalaki mula sa Mariveles
12. Isang 8 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
13. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
14. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Orani
15. Isang 51 taong gulang na lalaki mula sa Orani
16. Isang 45 taong gulang na babae mula sa Orani
17. Isang 47 taong gulang na babae mula sa Orani

Umabot naman sa limampu’t pito (57) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 82 taong gulang na babae mula sa Mariveles. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 148 at lahat sila ay naka isolate na; 288 ang naghihintay ng resulta ng test; 27,412 ang nagnegatibo na at 190 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 30,570 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan

Leave a comment