COVID-UPDATE: NOVEMBER 7, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-7 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,897 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing isa (11) ang mga bagong nakarecover at 145 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labing lima (15) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Samal
2. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Samal
3. Isang 57 taong gulang na babae mula sa Samal
4. Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
5. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Samal
6. Isang 3 taong gulang na babae mula sa Mariveles
7. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
8. Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
9. Isang 47 taong gulang na babae mula sa Mariveles
10. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
12. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
13. Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
14. Isang 3 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
15. Isang 34 na taong gulang na babaeng health worker mula sa Dinalupihan

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
16. Isang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
17. Isang 65 taong gulang na babae mula sa Mariveles
18. Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
19. Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
20. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
21. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Mariveles
22. Isang 35 taong gulang na babaeng OFW mula sa Mariveles
23. Isang 37 taong gulang na lalaking OFW mula sa Mariveles
24. Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Orion
25. Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Limay
26. Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
27. Isang 24 na taong gulang na babaeng APOR mula sa Dinalupihan

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,676 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
2. Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
3. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Orion
4. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
5. Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Abucay
6. Isang 34 na taong gulang na babae mula sa Hermosa
7. Isang 43 taong gulang na babae mula sa Mariveles
8. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
9. Isang 74 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
10. Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 9 na taong gulang na babae mula sa Mariveles

Umabot naman sa limampu’t walo (58) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay ang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 163 at lahat sila ay naka isolate na; 297 ang naghihintay ng resulta ng test; 27,557 ang nagnegatibo na at 181 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 30,751 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan

Leave a comment