COVID-UPDATE: SEPTEMBER 1, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, unang araw ng Setyembre, umabot na po sa 948 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, walo (8) ang mga bagong nakarecover na at 122 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na dalawampu’t lima (25) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 28 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 38 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 35 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Dalawang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 27 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 27 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 32 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 42 taong gulang na lalaking health worker mula sa Mariveles
– Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga

Dalawa (2) naman sa mga kumpirmadong kaso ay mga in-patient sa ospital sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Pilar
– Isang 69 na taong gulang na lalaki mula sa Pilar

Sa kabuuan, umabot na po sa 559 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 9 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 30 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 41 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Bagac
– Isang 81 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 22 taong gulang na babae mula sa Limay

Ang bilang ng active cases ay 372 at labing pito (17) ang pumanaw na. Nasa 151 ang naghihintay ng resulta ng test; 12,505 ang nagnegatibo na at 152 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 13,604 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB…
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

Leave a comment