
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-5 ng Setyembre, umabot na po sa 1,099 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, pito (7) ang mga bagong nakarecover at 195 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na pito (7) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 38 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 75 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 37 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 42 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 3 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 35 taong gulang na babae mula sa Samal
Apat (4) sa mga nagpositibo ay mga in-patient sa ospital sa ating Lalawigan. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 66 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Orion
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 70 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 50 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 44 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Dinalupihan
– Isang 19 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 44 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Mariveles
– Isang 58 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 54 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 41 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 62 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 614 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Morong
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Morong
– Isang 9 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 70 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
Ang bilang ng active cases ay 466 at labing siyam (19) ang pumanaw na. Nasa 221 ang naghihintay ng resulta ng test; 13,489 ang nagnegatibo na at 216 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 14,809 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB…
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.