Dinalupihan Tubig Festival 2022…

Matapos matigil ang mga selebrasyon sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya ay masayang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Dinalupihan, Bataan ang Kapistahan ni San Juan Bautista.

Tampok sa pagdiriwang ang Tubig Festival 2022 na sinisimbulo ang pagbinyag o bautismo sa pamamagitan ng tubig sa mga mananampalataya.

Pinangunahan ng mga lokal na opisyal ang pagdiriwang kasama sina incoming Bataan 3rd District Representative Gila Garcia, incoming Mayor Herman “Tong” Santos Jr at mga SB Members katuwang ang Dinalupihan PNP, Bureau of Fire Protection, various volunteer groups, mga kabataan at mga mamamayan ng Dinalupihan ang naturang selebrasyon.

Ang naturang event ay bahagi ng halos Isang buwang Pagdiriwang ng ika-158th Taong Pagkatatag ng Bayan ng Dinalupihan.

Leave a comment

Live Search