Agriculture

Dinalupihan, unang tumanggap ng P16M mula sa DA

0

Matapos ang mahirap na pinagdaanan ng bayan ng Dinalupihan sa pagde depopulate ng mga nagkasakit na baboy dahil sa ASF, sinabi ni Mayor Gila Garcia na sinimulan na ang pagtanggap ng mga affected backyard hog raisers ng kabuuang P16M financial assistance para sa buong bayan ng Dinalupihan mula sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng African Swine Flu Indemnification Program.

Ayon kay Mayor Gila, umabot sa mahigit na anim na raang (600+) backyard hog raisers na dumaan sa nasabing programa na may mahigit 3,000 na depopulate na baboy ang mabibiyayaan sa apat na batches ng nasabing financial assistance.

Dagdag pa ni Mayor Gila Garcia, nagpamigay na rin umano ang DA ng mga kalabaw, kambing, itik at mga sisiw sa mga affected hog raisers para sa kanilang alternative livelihood.
Marami rin umano sa mga affected hog raisers ang inirekomenda nila sa mga barangay para mag qualify sa SAP (Social Amelioration Program) para sa dagdag na ayuda.

Sa ngayon, nilinaw ni Mayor Garcia na base sa 1710 protocol ng ASF, ay bawal pa umanong mag alaga ng baboy ang mga affected backyard hog raisers hangga’t hindi pa safe, maliban sa mga babuyan na nakakakuha ng ASF negative test result tuwing ikalawang linggo.

Samantala sinabi naman ni Dr. Albert Venturina, Provincial Veterinarian na bagama’t nauna sa pagtanggap ng financial assistance ang bayan ng Dinalupihan, tiniyak umano ng DA na mabibigyan ang lahat ng bayan sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Orani street lights up soon

Previous article

Mariveles SB asks Penelco for extension on electric bill payment

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture