News

Dinalupihan, under state of calamity; relief efforts ng LGU, nagpapatuloy

0

Kasabay ng pagsisimula ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pamamahagi ng food packs para sa mga Bataeñong nasalanta ng matinding ulan hatid ng Southwest Monsoon o Habagat, sinabayan na rin ito ng Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Maria Angela “Gila” Garcia.

Ayon kay MSWD Dinalupihan chief, Ofel Mendoza, nasa halos 35,000 food packs ang kasalukuyang nire-repack at ipinamamahagi sa mga apektadong pamilya mula sa 46 na barangay ng Dinalupihan.
Kasunod din ito ng pagdedeklara sa Dinalupihan na nasa ilalim ng state of calamity base sa SB Resolution na naipasa sa special session ng Sangguniang Bayan ng Dinalupihan nitong Huwebes. Bukod sa Dinalupihan ay under state of calamity rin ang bayan ng Hermosa at Balanga City.

Umabot sa 77 pamilya o 209 na katao ang inilikas sa mga evacuation facilities ng Dinalupihan matapos tumaas ng labis ang tubig baha sa ilang flood-prone at low lying areas dito. Nakauwi na rin ang ilan sa kanila matapos humupa na ang baha at gumanda na ang panahon kasabay ng pagsikat ng araw nitong Biyernes ng umaga.
Ang bawat food pack na ipinamamahagi ay naglalaman ng mga de-lata, noodles, kape, at bigas na ibinibigay base sa tala at assessment ng MSWD at mga opisyal ng barangay.

Simula Huwebes, Hulyo 30, ay nagpapatuloy ang pagre-repack ng mga food packs sa Dinalupihan Civic Center para ipamahagi sa iba pang lugar sa mga susunod na araw hanggang makumpleto ang mga benepisyaryo nito sa lahat ng barangay ng Dinalupihan.

Another P1M fund for TUPAD program in Bataan

Previous article

Bataan PNP, tumanggap ng dalawang pagkilala

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News