News

Dog and cat vaccination, registration, ongoing sa Samal

0

Nagpapatuloy ang Dog and Cat Registration and Vaccination Program sa bayan ng Samal.

Ayon kay Samal Mayor Aida D Macalinao, bahagi ito ng kampanya ng LGU-Samal sa pagkakaroon ng isang bayan na nagsusulong ng Responsible Pet Ownership.

“Ating siniguro din na nagaganap sa bawat barangay ang registration, vaccination at veterinarian consultation,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Layunin ng programa na iligtas sa panganib ng rabies ang mga mamamayang Samalenyo bukod pa sa pagbabawal sa mga askal o asong kalye sa mga pangunahing kalsada dito.

Nagpasalamat din si ‘Yorme Aida’ sa lahat ng nakikiisa sa mga programa ng LGU Samal na aniya ay nagsusulong ng higit na ligtas, malinis at responsableng pamayanan.

Orani, may bagong ambulansya

Previous article

Liderato ng mga Garcia, lumutang sa pagpili sa site ng PSTC

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News