Sa joint meeting ng Prov’l Peace and Order Council (PPOC), Prov’l Ant-Drug Abuse Council (PADAC) at Prov’l Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na pinangunahan ni Gov. Joet Garcia, tinalakay ang estado ng kapayapaan at kaligtasan sa buong lalawigan.
Isa sa mga mahahalagang paksang tinalakay ay ang pagpapaliwanag ng mga opisyales ng Bureau of Customs sa lalawigan hinggil sa naging hakbang na ginawa sa smuggling ng mga produkto tulad ng bigas, petrolyo at sigarilyo.
Binigyang diin ni Gov Joet na dapat siguruhin ng mga ahensyang may responsibilidad dito na hindi makakapasok sa lalawigan ang ganitong mga iligal na gawain.
Naging aktibo din ang talakayan hinggil sa maigting at patuloy na kampanya kaugnay sa drug-cleared status ng lalawigan, ikinatuwa naman ng lahat, ang pagkilala sa lalawigan ng Bataan bilang 2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Awardee.
Kasama rin sa nasabing pulong sina Vice Gov Cris Garcia, Board Member Popoy del Rosario, LMP Pres., Orion Mayor Tonypep Raymundo, Mariveles Mayor AJ Concepcion at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya.
Nagpasalamat si Gov. Joet Garcia sa lahat ng mga kaanib ng mga nasabing councils sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan at kaligtasan buong Bataan.