banner

“Farmers got talent”

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hindi lang pala sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim ng palay at gulay at pangingisda ang talino at galling ng mga magsasaka at mangingisda kundi maging sa pagkanta at pagsasayaw na kanilang ipinamalas sa isinagawang programang Farmers Got Talent na ginanap sa loob ng Pamilihang Panlungsod sa Barangay San Jose ng lungsod noong biyernes ng umaga, ika-16 ng Marso.

Ayon kay City Agriculturist Nerrisa Mateo araw araw sila nakatuon sa kanilang sakahan at pangisdaankung kaya’t kahit minsan man lang sa isang taon ay magkaroon sila ng pagkakataon na magpakita ng kanilang galing sa pag arte, pagkanta at pagsayaw. Ang naturang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay San Jose.

Hinamon ni City Administrator at tagapamahala ng pamilihan na si G. Rodolfo de Mesa ang mga magsasaka at mangingisda na kailangan magsipag pa na magtanim ng mga gulay at palay para hindi na daw tayo aangkat pa ng mga produktong gulay at isda sa Pangasinan, Bulacan, Ilocos at La Union.

Natutuwang ibinalita din ni G. de Mesa na hawak pa rin ng Lungsod ng Balanga ang titulo ng may pinakamaganda at malinis na pamilihan sa buong Pilipinas na pilit na ginagaya ng iba.

Kaugnay nito pinaalalahanan ni G. de Mesa ang mga kargador, tindera at mga mamimili na lagi lamang sumunod sa mga patakaran at alituntunin ng palengke para mapanatili itong kaaya aya.

Samantala sinabi naman ni City Agriculturist Mateo na tumanggap ang mga nagwagi sa naturang timpalak ng halagang P3,000 ang first prize, P2,000 ang second prize at P1,000 ang third prize habang sa raffle na isinagawa ay nakatanggap naman ang ibang magsasaka at mangingisda ng mga shampoo, fabric conditioner, sabong panlaba at iba pa.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares