Nagdaos ng Open House Activity ang Mariveles Fire Station sa Landing Park bilang bahagi ng kanilang community engagement sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pangunguna ni Municipal Fire Marshal FSInp Rusoler D. Tayag.
Dumalo sa nasabing open house ang mga batang mag-aaral sa Day Care Centers ng mga Brgy.Poblacion, Bonifacio, Laya at Poblacion Main.
Sa simpleng pamamaraang nauunawaan ng mga bata, naging masaya ang pakikipag-ugnayan ng mga bata sa mga bombero na nagbahagi ng mga kaalaman para maiwasan ang mga sunog at anupamang disgrasya.