LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ang Department of Science and Technology (DOST) ay naghahanap ng mga batang matatalino na nag-aaral sa high school para mapabilang sa scholarship program ng kagawaran sa buong lalawigan ng Bataan.
Ayon kay DOST Provincial Director Rosalie Ona dadagdagan pa umano nila ang bilang ng kanilang scholars dahil sa bago nilang scholarship program na kung tawagin ay Junior Level Science Scholarship sa ilalim ng Republic Act 10612.
“Under R.A. 10612 Junior Level Science Scholarship Program ang mga third year or junior college students ay mabibigyan ng pagkakataon na maging DOST Scholar, kasi dito sa ating palalaganapin o ipatutupad na K-12 curriculum, ang paraan ng kanilang return of service (ROS) ay magturo sa grades 11 or 12. These DOST JLSS scholars upon graduation will fill-in the gaps for technical requirements or for teachers who will teach in senior high school,” paliwanag ni Ona.
Sinabi pa ng Direktora na dapat nilang tuparin ang required obligation ng JLSS Program, if they are awarded a-two years scholarship, they have to teach for 2 years and after that they can proceed or transfer to another job to pursue whatever career they will choose eventually. In case, these scholars opted to remain in the teaching profession, they need to take and pass the Licensure Exams for Teachers (LET) in order to get a permanent position.
Dagdag pa ni PD Ona “before the JLSS, we offer two (2) undergraduate scholarship programs, namely: R.A. 7687 or Scholarship Act of 1994 and Merit Scholarship. Student-applicants must belong to the upper 5% of the graduating class and are willing to pursue priority courses in science and technology including engineering courses”.
Kamakailan lang, para mas lalo pang tumalas ang kaisipan ng mga estudyante mayroon ding ginagawang training ang DOST. Ito ay ang Invent School Program (ISP) para sa mga mag-aaral sa high school, kung saan binigyan sila ng pagsasanay upang madevelop ang kanilang critical and creative thinking skills, maging malikhain at mapanuri. Ito ay ginanap sa Bonifacio Camacho High School at sa Pablo Roman Memorial High School.
“Ang kailangan namin sa ngayon ay mga future researchers, scientists para makaagapay tayo sa ating mga karatig bansa. Sa ngayon ay technology based ang ating mga kailangan gaya ng mga estudyante na may kakaibang angking talino. Sa kasalukuyan 135 DOST Scholars ang naka enrol sa Bataan Peninsula State University (BPSU) na kung saan ang mga nasabing mag-aaaral ay suportado sa tuition fee, book allowance at monthly allowance or stipend”, panghuling pahayag ng Direktora.