banner

Groundbreaking Ceremony ng WCPU

Written by
Groundbreaking Ceremony ng WCPU
  • Zeny S.
  • 1 month ago

Nakasama ni Cong. Gila Garcia ng Ikatlong Distrito ng Bataan ang kanyang mga kapwa mambabatas na sina Cong. Yedda Marie Romualdez at Cong. Linabelle Ruth Villarica sa Groundbreaking Ceremony of Women and Children Protection Unit na itatayo sa loob ng National Center for Mental Health.

Layunin ng proyektong ito ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) na tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na dumaranas ng mental health issues.

Ayon kay Cong Gila, ang gusaling ito ay magsisilbing tahanan ng mga kababaihan at mga kabataang biktima ng pang-aabuso at karahasan. Sinabi rin ni Cong Gila na pangarap niya na magkaroon ng ganitong proyekto sa Bataan para patuloy na bigyang suporta at proteksyon ang ating mga kababaihan at mga kabataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares